Pahayag Ukol sa Pahayag ng Pangulo sa Pahayag Ng Korte Suprema

Pahayag ni BongV askal na blogger Ukol sa Pahayag ni Benigno S. Aquino III Pangulo ng Pilipinas Ukol sa pahayag ng Korte Suprema kontra sa Legalidad ng Truth Commission

Bungling the Truth with the Truth Commission

[ika-8 ng Disyembre, 2010]

Nakakaasar na Pangulo,

Hindi kasalanan ang maghanap ng katotohanan. Obligasyon natin maparusahan ang mga lumabag sa batas. Tungkulin nating malinis ang pangalan ng mga inakusahan nang walang base. Ako’y umuuyon sa lahat ng ito.

Ako ay isang mamamayan ng Pilipinas – noon pa man, sa kabataan ko, tuwing umaga, pagpasok sa paaralan – nanumpa po ako kahit hindi ako Pangulo na ipagtatanggol ko ang konstitusyon; tutupad ako sa mga batas; at magbibigay ako ng hustisya sa bawat Pilipino.

Heto po ang aming panata tuwing umaga:

Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako ay kanyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang
Bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at nang buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa.

Yun nga lang, pagdating sa huling kataga – mahabang usapin po kung ano ang isang “tunay na Pilipino” – subalit hindi po iyan ang aking tinatalakay ngayon.

Ang isyu dito ay hindi ang paghahanap, obligasyon, at tungkulin na malaman ang katotohanan dahil tayong lahat ay nagkakaisa sa mga prinsipyong iyan.

Ang isyu po dito ay ang pamamaraan sa paghanap ng katotohanan. Kung ito ba ang tamang paraan – ayon sa batas.

Totoo po na ang Ombudsman, ang Department of Justice, na parehong patung-patong na rin ang tungkulin at nakabinbin na kaso. Kung papasanin pa nila ang ganito kalaking dagdag na trabaho, mas lalong babagal ang paghahatid ng hustisya sa mga kasong ilang taon nang nakabinbin sa kanila – KUNG GAGAMITIN ANG KANILANG PANGKASALUKUYANG PWERSA.

Ang solusyon po ay bigyan ng karagdagang suporta, tao, at pera para sa Ombudsman at DOJ upang magampan ang kanilang tungkulin sapagkat – ayon sa batas – eto ang trabaho nila – alamin ang katotohan at wastuhin ang kamalian sa pamagitan ng mga proseso ba sang-ayon sa batas.

Gumastos na lang din po kayo ng pera para sa Truth Commission – ba’t di nyo na lang ito idagdag ang budget sa Ombudsman at Department of Justice? Mas maige pang bumuo ng isang inter-agency task force o technical working group – na galing sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Inuulit ko po – magkaisa tayo sa prinsipyo sa paghahanap ng katotohan.

Ngunit, hindi po ako sang-ayon sa inyong pamamaraan -sapaka’t ito ay labag sa panukalang batas. Respetohin po natin ang batas. Magpakita po kayo ng ehemplo – kayo mismo ay magpakita ng respeto sa batas – at sa Korte Suprema, upang matuto ang ating mga kabayan mula sa inyo. Kung kayo ho ay walang respeto sa batas – eto pa ay nagbibigay ng pahayag sa ating mamamyan na pwedeng labagin batas ng Pilipinas kahit sino. E kung Presidente mismo naglalabag – ba’t hindi ang mamamayan?

Ang labanan po ng korupsyon ay hindi naipapanalo sa pamamagitan ng mga paraang bulok at kulang ng pag-isip at pag-aral. Matalino po ang mga aktor at aktres sa larong ito. Ika nga ng hapon – upang makuha ang isang ninja, dapat magpadala ka rin ng isang ninja. Huwag ho kayong magpadala ng mga bulok – dahil tapos na ang boksing di pa man nagsisimula ang unang round.

Lilinawin ko po uli – tayong lahat ay nagkakaisa sa paghahanap ng katotohan – hindi lamang po ng ZTE-NBN, kundi lahat ng bagay na nakakapinsala sa ating mga kababayan kung kaya dapat itigil nyo na ang pagtulog sa pansitan at hikayating maipasa ang isang matatag at mabagsik na Freedom of Information Act sapagkat ang batas na ito ay mas matindi pa ang hataw sa isang Truth Commission. Sa pagpasa ho ng FOIA, ang mga mamayan mismo ay maging kakampi, katimbang, kasama, kauban sa pagtutuligsa ng kasinungalingan at kasamaan. Sa pamamagitan ng FOIA masisimulan nating ang proseso ng malakihang, hindi-magastos na paglilinis ng pamahalaan.

Matagal no pa naming alam na tungkulin at obligasyon natin sa bawat Pilipino ang hanapin ang katotohanan. Matagal no po kaming tumutupad sa aming obligasyon – mula pa sa pagkabata at hanggang sa kasulukuyan.

Nananawagan po ako sa inyo, at sa tauhan mong nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan sa malinaw na panawagan ng taumbayan: – ang sarili nyo po mismo – at ang mga bulok mong mga tauhan – ang inyong mga pamamaraan at pamamalakad, ang kakulangan ng kakayanang mag-isip – ang PINAKAMALAKING harang sa inyong tungkulin.

Higit po sa lahat – tutukan po ninyo ang ugat ng korupsyon – ang kahirapan. Ang pinakamabisang solusyon po ay ang pagbubukas ng ekonomiya upang mas maraming mapagkikitaan ang ating mamamayan sa komersyo, pangangalakal, at turismo.

Wag nyo pong masamain ang Korte Suprema. Ginagawa rin po nila ang kanilang trabaho tulad nyo, sila rin ay nanindigan at nanumpang maghanap ng katotohanan, maparusahan ang mga lumabag sa batas, at malinis ang pangalan ng mga inakusahan nang walang base.

Tsaka tigilan nyo yung pambubulsyet nyo na ang papanigan nyo ay ang interes ng taumbayan dahil nung kayo ay tinimbang, mas mabigat si BFF Puno kesa taumbayan.

Naway magising kayo, makinig, mag-isip ng maige, at kumilos ng wasto.

Ang inyong lingkod,

BongV

**********

Pahayag
ni
Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas
Ukol sa pahayag ng Korte Suprema kontra sa Legalidad ng Truth Commission

[ika-8 ng Disyembre, 2010]

Marami ang nadismaya sa desisyon ng Korte Suprema na ipawalang-bisa ang Truth Commission. Bilang inyong pinuno, tinatanong ako kung ano ang mga susunod kong hakbang.

Kasalanan ba ang maghanap ng katotohanan? Di ba obligasyon kong tuklasin ang katotohanan? Di ba obligasyon ko rin na maparusahan ang mga lumabag sa batas? Di ba tungkulin nating malinis ang pangalan ng mga inakusahan nang walang base?

Nanumpa po ako bilang inyong Pangulo: ipagtatanggol ko ang konstitusyon; ipatutupad ko ang mga batas; at magbibigay ako ng hustisya sa bawat Pilipino. Sino mang alagad ng katarungan ay sumusumpa rin sa kanilang tungkuling kumapit sa kung ano ang totoo.

Ang hinahabol po natin dito ay katotohanan. Itinatag natin ang Truth Commission upang isara ang sinasabing isa sa mga pinakamadilim na kabanata sa ating kasaysayan—at malinaw na makakamtan lamang natin ito kung patuloy nating tutuklasin at kakapitan ang katotohan.

May mga nagtatanong: bakit pa kailangan ng panibagong Komisyon kung nariyan naman ang napakaraming mga institusyong naitalaga na upang isulong ang katarungan?

Nariyan ang Ombudsman, ang Department of Justice, na parehong patung-patong na rin ang tungkulin at nakabinbin na kaso. Natural, kung papasanin pa nila ang ganito kalaking dagdag na trabaho, mas lalong babagal ang paghahatid ng hustisya sa mga kasong ilang taon nang nakabinbin sa kanila.

Ang hustisyang inantala ay hustisyang ipinagkait. Karapatan ng mga walang-sala ang mabawi ang kanilang dangal, at tungkulin ng sistema ang parusahan at panagutin ang mga nagkasala. Paano natin makukuha ang solusyon kung hindi man lang natin matukoy kung ano ang problema?

Kung may isang Komisyon na nakatutok sa mga alingasngas ng korupsyon nitong nakaraang dekada, natural naman pong mas mabilis nating maaabot ang ninanais nating liwanag.

Ang pinakamahalagang layunin nito: bigyang-liwanag ang anumang sadyang hinarang ang pagsisiwalat, at patuloy pang itinatago ng mga nakinabang sa lumang sistema.

Ang sabi po ng Konstitusyon, anim na taon dapat mamalagi ang isang administrasyon. Paano natin tatratuhin na hindi naiiba ang isang administrasyon na halos dalawang terminong nanungkulan? Kung administrasyon ka na lumagpas-lagpas na nga sa inaasahan natin ayon sa batas, di ba naiiba ka nga sa lahat. Nararapat lamang na natatangi ang batayan para sa isang natatanging administrasyon.

Ang tanong ng ilan: inaapi ba natin ang nakaraang administrasyon? O pinipili lang nating isulong ang interes ng mga inapi at ninakawan?

Kaninang 5:47 pm lang nakarating sa amin ang kopya ng desisyon. Mahaba-haba ang mga opinyon, kailangang pag-aralan nang masinsinsan ito, at pag-isipan kung ano ang mabuting gawin.

Mga eksperto na po ang nagsabi, ang pangkaraniwan ay lumalabas ang kopya ng pormal na desisyon sa mismong araw ng pagpahayag nito. Pinagtatalo lang po yata ang magkabilang panig.

Nagpapasalamat na lang po at hindi kami inutusan na isauli ang lahat ng nalikom na ebidensya.

Lilinawin ko po: Hindi nakatutok ang Truth Commission sa iisang tao lamang, kundi sa maraming iba’t ibang mga insidente. Kailangan po nating malaman—hiwa-hiwalay bang kaso ito, o ito ang sistemang umiral sa loob ng siyam at kalahating taon? May mga kakuntsaba pa bang nasa puwesto ngayon, at may pagkakataon pang ipagpatuloy nila ang kanilang pamiminsala?

Di ba’t may pakinabang sa akusado ito na maaaring linisin ang kanilang pangalan? Kasabay nito ang pakinabang sa estado na para makasiguro tayong hindi magpatuloy ang maling gawain, at magbayad ang mga may kasalanan.

Kapag napinsala ang mga Pilipino, hindi po ba kayo nababahala? Hindi po ba kasama ang inyong mga anak, apo, at mga mahal sa buhay na makikinabang sa paglalatag natin ng maayos na sistema, kung saan mananagot ang mga nagkasala?

Sa lawak ng mga akusasyon, mahaba-habang panahon ang gugugulin sa paghahabol sa sanga-sangang ng pinaghihinalaang katiwalian, kung saan ito tumutungo o tuturo. Kung walang tututok dito, ginagarantiya natin ang patuloy na kapinsalaan sa taumbayan.

May pananagutan po tayo. Hahayaan ba nating maantala ang paghahatid ng katarungan sa taumbayan?

May mga tanong ang taumbayan na kailangang masagot. Totoo ba ang Hello Garci, kung saan sinabing nadaya ang elesyon?

Paanong umusbong ang NBN-ZTE na pagkamahal-mahal na wala namang pakinabang ang bayan?

Saan ba napunta ang pondong pambili ng fertilizer? Ito pong fertilizer scam na ito, parang sine. Sabi po nila, may part one na, nasundan pa ng part two, at tilang may lalabas pang part three na ang siabi po nila mas mas karumal-dumal pa doon sa nauna.

Saan napunta ang pondong diumano’y nawaldas na dapat sana ay napunta sa mga nasalanta nina Ondoy at Pepeng?

Bukod pa po dito ang napakarami pang ibang midnight deals at midnight appointments. Baka nalimot na po ninyo, P981 million ang halaga ng isang midnight deal na dinaan sa mabilisang hokus-pokus. Noong ipina-rebid, naging 600 million na lang. Ito po bang mga deal na ganito ay talagang naging kalakaran lang noong nakaraang dekada?

Hindi po ba lehitimong mga tanong ito? Hindi ba kung hindi natin maisaayos ang sistema, ay ginagarantya lang natin na mauulit at magpapatuloy ang maling kalakaran?

Tungkulin at obligasyon natin sa bawat Pilipino ang hanapin ang sagot sa mga tanong na ito, lalung-lalo na sa mga handang magsakripisyo at isiwalat ang buong katotohanan ukol sa katiwaliang di umano’y naganap. Nananawagan ako, sa mga nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan sa malinaw na panawagan ng taumbayan: huwag po sanang harangan ang aking tungkulin.

Gagawin ko ang lahat ng nararapat sa ilalim ng batas upang itigil ang pamiminsala sa taumbayan. Huwag po kayong magduda, bago ang sarili ko, bago sino man, ang papanigan ko ay ang interes ng taumbayan.

Habang nandito ako, hindi ako papayag na patuloy na apihin ang Pilipino.

[myyoutubeplaylist 5vfqK0iLVk4, 8hGvQtumNAY, pkQ5LyeJLZA, s4kQcTT51s8, G-uoIxixbMk, CYU1tmnePpI, mWzeAomhQjU, uHrW8IPwFIg, -E5nrTRHSck, FUYHlaMZWf8, ZNKRQN0owz0, v5b7M04xPRE, FNNFVjBVEtQ, eM1HlfVF4I4]

Truth commission, Wikileaks – can we handle the Truth? What version of the truth do we want? 🙂

Advertisements

28 comments

  1. ulong pare · ·

    daaaang! i hate TANGALOG! plis…. plis… englitchzed onli naman naman namannnnn! mahal kong gung gong presidente: tutal eh binasura ng supremo abugagos de doktora santa ate glo, phd, ang iyong TUROTOT Komisyon(TK), allah eh, ‘di dapat lang na i-assign ang iyong TK sa hacienda luisita imbistigasyon…. ang aking law firm eh mura lang ang komisyon/retainer fee… at saka, my sexytaries are all willing and better looking than your current ho…

  2. LOL on a few good Transformers… Rodimus had it coming from Kup. 

  3. Hyden Toro · ·

    As Jesus Christ had pointed: “Why look at the speck of your brother’s eyes; when there is a beam on your own eyes.” ” Remove first on the beam on your eyes; before you can criticize the speck on your brother’s eyes.” I don’t have to write more…this was the lesson from the mouth of the Holy Man from Galilee, who lived 2,000 years ago…

  4. […] Here is the original:  Pahayag Ukol sa Pahayag ng Pangulo sa Pahayag Ng Korte Suprema […]

  5. Is nuynuy really intent on making gma accountable?

    All parties involved, the accused, the accuser, the judge have skeletons in their closet.

    They are just a phone call away. Accused (thru emissary): “sige ka, if you spill our monggo, we’ll spill yours.”

    My take – it’s just all for show (scripted)? Drama, as usual, for the telenovela population to focus their attention to. Result: attention diverted from PeNoys incompetence.

    Behind the scenes, they just laugh sarcastically and say: por da pipol, by da pipol, lab da pipol.

  6. ulong pare · ·

    daaaang! … doktora santa ate glo, phd, (in her surfing tights) is HOT! … i couldn’t wait for her to pose in thongs!… flipland could use that layout in its tourism campaign… wonder when would Sports Illustrated feature her on its cover? …

  7. “only a ninja can stop a ninja” -Sho Kosugi ba to? lol…i like!..this is an excellent read if i say so myself. Thanks Mr. BongV

  8. Pfft… cry baby talaga tong mokong nga BS aquino na ‘to.

    “Kapag napinsala ang mga Pilipino, hindi po ba kayo nababahala?” of course we do, BS aquino. Kaya nga dapat hindi ka na tumakbo at nag atribeng maging pangulo ng pilipinas. Alam mo namang wala kang kakayahan at walang laman ang utak mo kundi sigarilyo.

    “Habang nandito ako, hindi ako papayag na patuloy na apihin ang Pilipino.” tell that to the Hacienda Luisita farmers. Haay naku, BS aquino… you’re so full of your name.

  9. JOSEPH OPULENCIA · ·

    buls eye…utak puno ng usok,,,ha ha ha …. may bagong kurso ngayon sa college BS Aquino…

  10. ulong pare · ·

    daaang!… what do you expect from a retard? a down syndrome bachelor dude who needs ‘ho to beat his beanies off… if not for his political clout, he couldn’t qualify and wouldn’t be hired as manila’s street sweeper!

  11. UP nn grad · ·

    Sa palagay ko, Si Noynoy mismo, medyo sa kuro-kuro niya, TruthComm papaltos.

    Noynoy senses walang makikitang no court-admissible evidence to convict GMA. Kaya ang ginawa ni Noynoy, naghanda na ng FallGuy. 💡

    Noynoy chose Hilario Davide, Jr. When it happens that TrutComm fails in its mission to 😛 convict GMA, then Hilario Davide Jr becomes the fall-guy. Hilario Davide Jr (who swore GMA in to replace Erap and who GMA appointed to United Nations) will be fall-guy, another GMA-protector in high places, the one who was not hard-working enough and inventive enough to convict GMA. Malacanang may even strip him of his retirement benefits!

    Medyo paminsan minsan, medyo meron din namang tama ang advice na ibinibigay kay Noynoy.

  12. Magpapasko na, yan pa rin ang kinakanta ng pangulo.  Yan na lang ba ang gusto nya isipin?

    Sa dami ng magaling nya na speechwriter, tila nalagpasan nila yung kasabihang “there is more than one way to skin a cat.”

    Swak ang sabi ni Bong.

  13. AlvinEternal · ·

    “Habang nandito ako, hindi ako papayag na patuloy na apihin ang Pilipino.”

    I facepalmed at this. I believe that this is also one of his gaffes. And what’s worse is that it seems that he’ll focuses more on this nonsense than very important issues like the economy.

    Worst case scenario: Whiny b*tches like Hontiveros-Baraquel wants those 10 judges to be impeached. Well, good luck to them. I mean, what’s so “evil” about Gloria?

  14. Alvin – am an 80s dude, old school – when I heard that bulsyet – ako’y napakanta ng.. “Kadiri to death, so baduy”

  15. UP nn grad · ·

    Gustong maging artista ni Noynoy, kaya kung may kamera, bira kaagad ng pa-drama drama.

    Minsan, seryoso daw siya, minsan naman, komedyano.

  16. Haha… Sho Kosugi! Eat your heart out, Michael Dudikoff… hehe

  17. We can tell the pro-Truth Commission guys: Paano ba naapi ang tao with “midnight appointments?” Kapag may inappoint si GMA noon, may tao bang biglang namamatay o nadidisgrasya? Parang ang galing ng pag-konek no? 😉 

    When he talks about the inaapi, ask him if he meant the farmers at Luisita. 

    We also discussed the idiocies of the wordings of EO 1 in Sentro. First of all, the Truth Commission is supposed to be an “independent collegial body.” Photang nanay talaga… it’s created and funded by the government and yet it’s “independent?” Dun lang, sablay na eh. And there’s more when you read through. 

    Here is the stupidity of our dear prez: he’s encouraging lawlessness by openly choosing to disobey or challenge the Supreme Court. 

    Even the pro-Gloria explanation fails because four of the five justices (Carpio included) who dissented from the ruling were GMA appointees. 😉 

  18. ulong pare · ·

    dang! … impeach corona&supremo abugagos now in motion… ano ba ‘yan?… dapat eh “PROBE” muna, then impits, di ba??? …. hay naku, flips are perpetual impeachers and coupe de taers….

  19. Antay-antayan · ·

    Isang tanong…

    Ano ang ibig sabihin ng “panukalang batas”? May batas ba na hindi “panukala”?

    Sensya na. Bisaya kasi ako. =)

  20. Antay-antayan · ·

    I actually respect some of the writers here, but when ChinoF starts defending them using his slanted GMA-ass-kissing rhetoric, I feel like hiring some kids from China to perform a DDoS. I hope people don’t start calling him ChinoFS or Chino Frakking Stoopid.

  21. and that’s the Ampatuan in every Pinoy – the gospel accdg to Antay-antayan

  22. Hyden Toro · ·

    We want Truth Commission about Sec. Puno receiving Bribes…he already confessed that he is receiving bribes…yet Noynoy Aquino is protecting him…

  23. in bohol – say it this way… ninja ra mupatay ninjo.. 😀

  24. UP nn grad · ·

    Pilipinas Supreme Court said that EO#1 should include investigation of other administrations.

    Ninoy blew it, didn’t he? Had he included in scope of :mrgreen: TruthCommission2010 the Ferdinand Marcos years to investigate this key question —- 💡 mastermind(s) behind Ninoy Aquino assasination — Noynoy could have gotten approval of EO#1.

  25. Hyden Toro · ·

    Ninoy Aquino was killed by a NPA Sparrow Unit…NPA Leadrship thought this will destabilize the country. Some suspects are the key players of the Coup d’ Etat. Look at how they fought for Power, when Marcos was ousted. The Aquino family armed the NPA. The failed arms shipment of the MV Karagatan proved this….

  26. Antay-antayan · ·

    Cheers BongV. You know I love you.

  27. Matagal na tayong ‘api’ dahil sa kanya.. LOL

  28. Hacienda Lusita. Hacienda Lusita. Even a hundred NBN-ZTE deal, a thousand fertilizer scam, they are so tiny side by side with Hacienda Luisita. Let us paraphrase the good President:

    Kasalanan ba ang maghanap ng katotohanan? Di ba obligasyon kong tuklasin ang katotohanan tungkol sa Hacienda Luisita?…

    Ang hinahabol po natin dito ay katotohanan. Itinatag natin ang Truth Commission upang isara ang sinasabing isa sa mga pinakamadilim na kabanata sa ating kasaysayan— ang Hacienda Luisita..

    Kapag napinsala ang mga Pilipino, dahil kinamkam ng isang pamilya ang pagmamayari sa napakalaking lupain sakop ng kung ilang bayan samantalang karamihan sa atin ay isang paso lang na lupa ang kaya, hindi po ba kayo nababahala? Hindi po ba kasama ang inyong mga anak, apo, at mga mahal sa buhay na makikinabang sa paglalatag natin ng maayos na sistema, kung saan mananagot ang mga nagkasala?

    Hehe, i have this thing for hypocrites…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: